Hello world!

Lintik na Adobo

kampanteng kampante ako paggising ko sa dorm na may makakaen akong BREAKFAST…ready na ko sa pagpasok ko sa school nang naamoy ko na panis na ang adobo kong 2days ko ng inuulam!!!bwiset na yan…akala ko ba hindi napapanis ang adobo kahit hindi iref…ang unang pumasok sa isip ko ay: SYET. MAY BUKAS NA KAYANG KAINAN NG 5:30am…ang tanga ko, tinanong ko pa ang sarili ko kahit alam ko na ang sagot…pero makulit ako…naghanap pa ko ng mga karinderya na hindi natin alam eh mga kalyo pala sa paa ang MAIN INGREDIENTS..take note: sa pag-aala DORA THE EXPLORER ko sa paghahanap ng ulam, may nadaanan akong mga limang tae ng aso..sus maria!!!bat hindi sinabi sakin ni MAP yun??tae…tae…tae…tae…tae…karinderya!!where are we going??karinderya!! pero buti di ako nakatapak ng mga tae dahil para akong tangang palukso-lukso sa kalsada para lang maiwasan ang bagsik ng tae.

SYET. wala pa silang tindang kanin with kalyo sa paa…naisipan ko na lang kumaen sa MCDO ng breakfast. sa loob kasi ng school namin ay may mcdo. edi nagmadali ako ng super dahil 7 ang pasok ko…syet. ang haba ng pila sa mcdo.pumila ako sa PRIORITY LINE FOR SENIOR CITIZENS(kunwari na lang senior ako..lol)…sa harap ko may senior at sa likod ko naman ang prof ko sa management (mukha siyang teletubbies….swear!!tama ba spelling ko ng teletubbies??)…alam niyo naman pag tumatanda na, medyo bumabagal na…antagal umorder ni lolo sa harap ko binili na ata buong mcdo…syet. 20 minutes na lang start na klase ko!!despite of haggardness, bigla ko naisip gumawa ng blog kaya eto na yon(obvious??)…nagsisimula na kong mabanas kay lolo…tapos bigla ko na lang narining si teletubbies na kinakausap ang sarili niya. sabi niya: bwisit. antagal naman….pinipigilan ko ang tawa ko sa sobrang ewan..hindi ko akalaing masasabi yun ng prof ko sa isang WALANG MALAY na matanda..grabe!

15 minutes na lang at kailangan ko pa ubusin ang chicken fillet ko…syet..ang inet ng kanin!!pasong paso na ang dila ko pero GO pa rin ako sa paglaps..pag hindi kasi ako kumaen,patay na…manlalata ako na parang pechay…naubos ko naman ang pagkaen ko pero dila ko naman ang nasakripisyo…hindi nga ako nanlata, paso naman ang dila ko…lintik kasi na adobo yan!!bat pa napanis!!

So di pa naman ako late..mga 1 minute pa pero aakyat pa ko ng 4th floor..syet.parang nawala ang kinaen ko…edi ayan asa room na ko.

tapos tulog na ko sa theology class :)) (nagmadali pa noh?? matutulog lang pala)

syet.the end.the end na nga!

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna